Eh teka teka, ano nga ba talaga yang tiwala na yan?
Yan ba yung medyo basa basang bagay na pwede mong palobohin, at nabibili sa 7-11 na 3 piraso sa isang pakete, na halos 30 pesos ang presyo? Hindi naman siguro. Sana lang talaga hindi, dahil kung yan lang yung wala ako, eh hindi naman talaga pwedeng magkaron ako't labag sa ika 5 utos nyan.
Hindi ko talaga alam kung ano ang tiwala na yan. Siguro para yang nagbabagong buhay na timawa. Madami na siyang ginawa para patunayan ang sarili niya, pero hindi ka naman naniniwala. Madami na siyang pinaglaban para maiba lang tingin mo sa kanya pero nakasarado na ang utak mo na hindi na siya magbabago. Madami na siyang nakain pero gutom pa rin. Magkatunog eh. Ewan ko. Ang gulo. Ang labo.
Sabi ng ibang tao, ang tiwala daw, ang hirap ibigay. Inaabot daw ng mahabang panahon para mapatunayan. Nagsisimula sa simpleng pakikisama, na pag tinimplahan mo ng araw, linggo, buwan, at taon ay nagiging tiwala na. Habang tumatagal lalong tumaas. Pota, parang utang pala yan. Balita ko nga, 5 years in the making daw yan, taena, ang tibay nga nyan, Tropaville quality na yan e.
Kung sa pagkakaintindi ko lang naman babasihin, hindi mahirap ibigay yan.
Araw araw, sa bawat pag gising mo, nag titiwala ka na mayrong nakahandang almusal na ginawa ng magulang mo.
Araw araw, sa bawat pag alis mo ng bahay, pinagkakatiwala mo ang buhay mo sa mga drayber ng jip na ang alam lang gawin ay maghintay ng pasahero.
Araw araw, nagtitiwala ka sa nagluto ng kung sino man ang kakainin mo para sa pananghalian na walang halong timplang lupa ang kakainin mo.
Araw araw, nagtitiwala ka sa pitaka mong anorexic na meron siyang sapat na laman para makauwi ka ng iyong tinitirahan.
Araw araw, nagtitiwala ka kay Ted Failon dahil inaabangan mong ibabalita na niya na may terminal na sakit na si Kris Aquino.
Araw araw, ibat ibang tiwala ang binibigay mo. Ang laking bagay nun.
Araw araw, nagtitiwala tayo kung kani kanino. Araw araw nangyayari to.
Tiwala, who u b?
No comments:
Post a Comment