Read the fucking blog

8===D

Saturday, August 20, 2011

Sampal ni Taguro


(Ako nagpauso ng pic na to na gamit ngayon ng batch namin, haha wala lang nagmamayabang lang :P)

Medyo masakit tong sampal na to. Isang daang porsyentong lakas. Yung pitik nga lang ni Taguro, halos ikamatay na nung kapatid nya, pano pa kaya ang sampal.

Taena!!! Ang Sarap!!!  Yun nga lang, sa mga first takers lang kasi to applicable, may isa kasing kupal na retaker na nagpapangit ng record namin. Taena this. Wala na magagawa batch namin dun. Yun na talaga yun e.

Bunga lahat to ng pagsisikap namin. Bunga ng dedikasyon naming maipagmalaki ang batch namin.
Naaalala ko pa nung nagsisimula pa lang yung review, andami nating pinagdadaanan.
Hirap sa mga exams (first time ako magka line of 3 sa 100 item na exam),
hirap sa sched (taena 7 days a week ang pasok namin),
hirap sa pagintindi ng prof (grabe yung mic napaka lakas)
in short, hirap sa lahat.

Kaakibat pa ng paghihirap na yan yung kabang pinadama samin. Daming panakot samin kaya na mind set talaga na pass or die lang sa NLE na to.
Panakot na hindi gagraduate
Panakot na hindi pag tatake-in ng board exam (kasali ako dito e)
at siyempre ang panakot na hindi magagrant ng diploma at lisensya

Oh yan, tumalab pangmamaliit niyo. Tignan nyo oh.

Eto na lang pala yung isasampal ko sa mga di naniwala samin. Andami ninyo e pano pa kayo iisa isahin. Meron diyan yung mga taga labas na sinasabing malabo daw ma 100% ang batch namin.
Meron ding taga loob na walang tiwala sa amin.
Daming detractors, daming masasakit na salita.
Kainin niyo na lang to.

Lasang tagumpay yan. Sana matikman niyo rin.

No comments:

Post a Comment