Read the fucking blog

8===D

Monday, August 22, 2011

tiWALA



Minsan, nung nagkaron ako ng hindi magandang tampuhan laban sa isang babae, napaisip ako, ano nga ba ang tiwala? Sabi niya kasi sakin, wala daw siyang tiwala sakin. Nagtaka tuloy ako, bakit wala? May ginawa ba akong masama?

Eh teka teka, ano nga ba talaga yang tiwala na yan?

Yan ba yung medyo basa basang bagay na pwede mong palobohin, at nabibili sa 7-11 na 3 piraso sa isang pakete, na halos 30 pesos ang presyo? Hindi naman siguro. Sana lang talaga hindi, dahil kung yan lang yung wala ako, eh hindi naman talaga pwedeng magkaron ako't labag sa ika 5 utos nyan.

Hindi ko talaga alam kung ano ang tiwala na yan. Siguro para yang nagbabagong buhay na timawa. Madami na siyang ginawa para patunayan ang sarili niya, pero hindi ka naman naniniwala. Madami na siyang pinaglaban para maiba lang tingin mo sa kanya pero nakasarado na ang utak mo na hindi na siya magbabago. Madami na siyang nakain pero gutom pa rin. Magkatunog eh. Ewan ko. Ang gulo. Ang labo.

Sabi ng ibang tao, ang tiwala daw, ang hirap ibigay. Inaabot daw ng mahabang panahon para mapatunayan. Nagsisimula sa simpleng pakikisama, na pag tinimplahan mo ng araw, linggo, buwan, at taon ay nagiging tiwala na. Habang tumatagal lalong tumaas. Pota, parang utang pala yan. Balita ko nga, 5 years in the making daw yan, taena, ang tibay nga nyan, Tropaville quality na yan e.

Kung sa pagkakaintindi ko lang naman babasihin, hindi mahirap ibigay yan. 
Araw araw, sa bawat pag gising mo, nag titiwala ka na mayrong nakahandang almusal na ginawa ng magulang mo.
Araw araw, sa bawat pag alis mo ng bahay, pinagkakatiwala mo ang buhay mo sa mga drayber ng jip na ang alam lang gawin ay maghintay ng pasahero.
Araw araw, nagtitiwala ka sa nagluto ng kung sino man ang kakainin mo para sa pananghalian na walang halong timplang lupa ang kakainin mo.
Araw araw,  nagtitiwala ka sa pitaka mong anorexic na meron siyang sapat na laman para makauwi ka ng iyong tinitirahan.
Araw araw, nagtitiwala ka kay Ted Failon dahil inaabangan mong ibabalita na niya na may terminal na sakit na si Kris Aquino.

Araw araw, ibat ibang tiwala ang binibigay mo. Ang laking bagay nun.

Araw araw, nagtitiwala tayo kung kani kanino. Araw araw nangyayari to.

Tiwala, who u b?

Saturday, August 20, 2011

Sampal ni Taguro


(Ako nagpauso ng pic na to na gamit ngayon ng batch namin, haha wala lang nagmamayabang lang :P)

Medyo masakit tong sampal na to. Isang daang porsyentong lakas. Yung pitik nga lang ni Taguro, halos ikamatay na nung kapatid nya, pano pa kaya ang sampal.

Taena!!! Ang Sarap!!!  Yun nga lang, sa mga first takers lang kasi to applicable, may isa kasing kupal na retaker na nagpapangit ng record namin. Taena this. Wala na magagawa batch namin dun. Yun na talaga yun e.

Bunga lahat to ng pagsisikap namin. Bunga ng dedikasyon naming maipagmalaki ang batch namin.
Naaalala ko pa nung nagsisimula pa lang yung review, andami nating pinagdadaanan.
Hirap sa mga exams (first time ako magka line of 3 sa 100 item na exam),
hirap sa sched (taena 7 days a week ang pasok namin),
hirap sa pagintindi ng prof (grabe yung mic napaka lakas)
in short, hirap sa lahat.

Kaakibat pa ng paghihirap na yan yung kabang pinadama samin. Daming panakot samin kaya na mind set talaga na pass or die lang sa NLE na to.
Panakot na hindi gagraduate
Panakot na hindi pag tatake-in ng board exam (kasali ako dito e)
at siyempre ang panakot na hindi magagrant ng diploma at lisensya

Oh yan, tumalab pangmamaliit niyo. Tignan nyo oh.

Eto na lang pala yung isasampal ko sa mga di naniwala samin. Andami ninyo e pano pa kayo iisa isahin. Meron diyan yung mga taga labas na sinasabing malabo daw ma 100% ang batch namin.
Meron ding taga loob na walang tiwala sa amin.
Daming detractors, daming masasakit na salita.
Kainin niyo na lang to.

Lasang tagumpay yan. Sana matikman niyo rin.

Wednesday, August 17, 2011

Men who can't be moved.



Sup.
Tarantadong mahilig magmura na kung saan parte na to ng lahat ng kanyang pangugusap. Siraulong mahilig makipagaway dahil hindi niya nakuha yung huling piraso ng maling. Gagong walang relasyong tumatagal ng higit sa 6 na buwan. Hijo de putang ang alam lang gawin ay bumili ng maiinom, mang impluwensyang uminom, maligo sa iniinom, at siyempre, uminom. Sigurado akong lahat tayo may ganitong kaibigan. At kung sineswerte kang hayop ka, malamang ikaw pa to.

Ang baba ng tingin natin sa kanila diba? Para kasing alam mo ng walang patutunguan tong mga taong to. Walang silbe, magdadagdag lang ng kalat sa lipunan dahil ang pangarap lang nila ay magkalat ng lahi, magkaron ng panganay sa 7 o higit pang babae, at siyempre madakma ang suso ni Anne Curtis live sa Showtime.

Aaminin ko, meron ako ng ilan sa mga katangiang to.

Eto lang ang masasabi ko para kahit papano nama'y mapagtangol ko ang pagkatao ko.

Darating ang araw mamamatay ako, bago pa dumating yun, alam kong wala akong maiaambag na isang makabuluhang bagay sa lipunan. Hindi ako makakaimbento ng iPorn. Wala akong pamilyang maiaaahon sa hirap. Malabong magkaron ako ng parangal sa kahit anong larangan. Ang alam ko lang sa sarili ko, ay natuto akong magpahalaga sa isang tao na higit pa sa buhay ko. Higit pa sa inakala kong kaya ko. Higit pa sa kahit na ano.

Tuesday, August 16, 2011

Childhood Confessions


Sup.
This post is about a heartwarming experience I had when riding the shuttle jeepney stationed at EDSA going to MoA. It's a conversation between a mother and child whom you just can't ignore because of its sheer cuteness. Just imagine hearing the conversation with the child having a high pitched loud voice, and his mother with a calm and soothing one.

Child: Yehey pupunta tau ng MoA
Mom: Kaya behave ka lang ok?
M: Oh bakit nga ba tayo pupunta ng MoA?
C: Mami ang daming tao!
C: (totally forgetting about his mothers question) Ahm bakit ang daming tao mami?
M: Kasi pupunta rin sila sa MoA.
M: Bakit tayo pupunta ng MoA?
C: Kasi bibili tayo ng Robot!!
M: Tama, kaya behave lang ikaw...
C: Ang init mami.
C: Mami bili rin tayo ng cake mamaya!
M: (laughs), sige sige, ikaw talaga..
Then came 5 minutes of silence as the child playfully watches different vehicles passing along the road...
M: Gusto mo ba matagal tayo sa MoA?
C: Oo naman mami, ang laki nun tapos ang hirap pasyalin. Hanggang bukas na lang tayo dun mami.
M: Naku hindi pwede yun. Gusto mo iwan na lang kita tapos balikan na lang kita? (You can sense that the mother is playing with her child's imagination)
C: Ayoko mami baka maligaw ako.
M: Eh may mga security guard naman dun ah di ka maliligaw.
C: Ayoko pa rin...
C: Iiyak ako pag iniwan mo ko ( </3 )
M: (Smiling) Sige na nga hindi na kita iiwan..
M: Oh yan malapit na tayo. (they were still at least roughly around 50-70 meters MoA)
C: Tara baba na tayo mami!
M: Behave ka lang lalapit pa tong sasakyan.
At this point on, the child kept shouting "MoA" happily. When the shuttle finally arrived at MoA,the kid tried his best to make it first out. It was really fun to watch.

Anyway, that's it. It was a real pleasant experience that kind of lighted up my supposedly gloomy day. 

Thursday, August 11, 2011

Troll Story


Troll Story on Flyff
Me (Tabingetlogs), Guy I'm trolling (Angel4helm)

Nangyari to nung napadaan ako sa SaintMorning, isang lugar sa Flyff, tapos may pm akong natangap, at since wala naman akong kausap, might as well pagtripan ko.

Angel4helm: Sir, interesado po ba kayo sa mga business?
Tabingetlogs: anung business
A: sir kasi po meron akong business dito
A: big business po to
T: oh? panu?
A: leverage business po to
A: eto po yung tipong kahit natutulog kayo kumikita kau
T: oh? yan ba yun mga nagtitinda ng kama o anu?
A: ah.. hindi po hehe.
T: ah.. di matutulog lng ako?
A: ang ibig sabhn q po dun, e mdle ln po siya at kahit natutulog ka kkta k ng mlki..
T: oh? prang nag iintrpret ng pnaginip?
A: hindi po sir.. hehe
A: kung gusto niyo po pakita ko po sa inyo personally..
T: panu?
A: magkita po tayo..
A: taga san po ba kayo?
T: sa may pasay ako
A: ah..
A: alam niyo po yung robinsons ortigas?
T: ah. sa may ortigas yun?
T: yun ba yung sa SM?
A: opo sa ortigas yun
A: hindi po yun yung sa SM..
T: e diba prehas lng nmn un robinsons at SM?
A: hindi po parehas yun hehe..
T: ah sorry d q alam
A: so ok lang po ba na magkita tayo?
T: uu
T: panu tau magkta?
A: wait po check ko sched q
A: sir kelan po b kayo pwd?
T: wala ako pasok sna bumagyo
A: ah studyante po b?
T: hindi ah
A: eh anu po?
T: hindi po ako studyante
A: employee po?
T: opo ( nung point na to tumigil muna siya kaka PM di ko alam kung bakit)
After 10 minutes
A: pero interesado pa kayo?
T:uu
A: ah gusto niyo po tlga kumita?
T: uu nmn kelangan
A: sige po teka po
A: kita po tayo?
A: bukas po?
T: sige
T: teka pano b kasi yn?
A: sige po explain ko po cycle ng employment (tangina sobrang tawa ko ng tawa dito may ganito pang nalalamang shit.)
A: kasi po diba
A: kaya po tayo nag tatrabaho
A: para po magkaron po tayo ng pera
A: bakit po natin kelangan ng pera?
T: para may pamasahe pag pasok sa trabaho
A: kasi po may mga wants po tau
A: sir wag po muna kayo sumagot hehe
T: ah kla ko tnatanung mo ko sory
A: ah yun nga po diba, kasi may mga wants po tau
A: eh kaso ang problema, di po kaya minsan ng trabaho natin suportahan wants natin
T: uu nga
A: naramdaman niyo na po yun sir?
T: uu e, minsan kasi nagugutom ako
T: pero sa trabaho
T: nkakagutom lalo..
A: ah..
A: parang ganun na nga po sir..
A: so pano po sir gusto niyo na po talaga?
T: uu nman sobra
T: kelangan q matulog
A: sige po sir pwd ko po b mkuha number nila?
T: pwede
A: sige po sir anu po?
A: smart po ba kayo o globe?
T: smart ako
T: sige po bigay ko po pg ngkta tau
A: ah hindi po b pwde ngaun?
T: pwd nmn
A: sige po sir bigay niyo po
T: 447-38-46 (random lang to lol)
T: yan yung smart q
A: ah..
A: telephone po b yn?
T: opo
A: ang hinihingi ko po yung sa cellphone po
T: ay di ko kabisado
A: ah ganun po?
A: sige po
A: bigay ko n lng po number q..
T:sige
A: sige po
A: 0922xxxxxxx
T: sige po
T: pano ko po kayo contactin?
A: sa number q po
T: anu po number niyo?
A: yung kakamessage ko lang po
T: ah.. ok sorry
A: sige po sir
A: kung gusto niyo po mag imbita po kayo ng marami..
T: This chat log has been traced by the NBI due to its mischievous contents, under code 30810 of the Philippine R.A. 31, you mister Angel4helm with an IP address of 102.xx.xxx (siyempre random numbers lng to tnatakot ko lang si kupal) are now being traced by the local police officers. Please surrender yourself to the nearest station as soon as possible.
A: has logged off

Tawa talaga kong tawa dito. Sana talagang pumunta siya sa local station nila para nagmuka talaga siyang tanga, kita niyo naman, ganyan katanga mga nagpypyramid business sa pilipinas, siguro mapa ibang bansa na rin.