Read the fucking blog

8===D

Thursday, March 10, 2011

▲ Illuminatio ▲

Siguro marami sa inyo ang nagtataka kung ano nga ba ang Illuminatio. Para san ba ito at bakit laging pinangangalandakan nito ang malupit na simbolo ng ▲. Pano to nagsimula, at ano ba ang pinaglalaban ng organisasyon na ito. Ang blog na to ay nakalaan sa pagpapaliwanag kung ano nga ba talaga ang Illuminatio.

Kasaysayan:

Nagsimula ang Illuminatio sa samahan ng mga lalakeng manlalaro ng basketbol na kadalasang kumakatawan sa batch 2011. Wala pa talagang pormal na tawagan ang samahang ito noon, madalas lang talaga nagkakaroon ng inuman at agawan ng syota.

Hindi naman talaga Illuminatio ang orihinal na pangalan ng grupo, nagmula muna ito sa Pempem, naging Illuminacho, hangang sa huli ay Illuminatio.

*Isang maiksing pagpapaliwanag. Pempem- Ito ang  unang tawag sa samahan ng mga lalakeng walang direksyon ang buhay at kalibugan lang ang pinapairal. Nagmula ito sa mga mapanuksong bunganga ng ilan sa mga mananayaw ng ENKORE, na siyang kumalat, hangang sa naging pormal na tawag na nga ito ng barkadahan ng kalibugan.

Halos 3 buwan na ang nakakaraan, tinatag ni John Vincent "Extra Rice" Asuncion ang grupong Pempem sa Facebook na mayroong 14 na miyembro. Ginawa ito sa layuning madaling makapag ayaan ng mga mahahalagang okasyon tulad ng inuman at fliptop. Itinatag ang grupong to kasunod na rin sa inumang naganap kila Erlan John San Jose, kung san mayron siyang isinamang nagbubukas ng tantsan gamit ang sumbrero. Narito ang unang post.

"Jv Asuncion-
oi mga kups... ayan para madali mgusap usap.. gulo nio eh. hahah HAPPY NEW YEAR!! Putukan na!"

Kitang kita naman ang halaga ng grupong ito. Ang unang alituntunin ay ang magpaputok sa labas at wag sa loob. Dahil nga naman pag sa loob ipinutok, mas mapanganib.

Makaraan ang ilang linggo, matapos ang walang humpay na pamamahagi ng mga porn-site na nalalaman ng bawat isa,  nag-post si Leoman Garcia ng video kung saan ibinibida si Pacquiao na isa raw siyang miyembro ng Illuminati.  Narito ang nasabing video.

http://www.youtube.com/watch?v=VYBOJPNSWD8&feature=related
*Makikita sa video na naghahand sign si Pacquiao ng ▲

Lubhang nakaramdam ng kakulangan ang mga miyembro ng Pempem, at alam nila kung papaano mapupunan iyon. Ito ay mapupunan lamang sa pamamaraan ng pagsali sa Illuminati. Dahil pag gangster ka, Illuminati ka. Baduy at masama. Dito na napagdesisyonan ng mga Pempem na dapat ay maging miyembro na sila ng Illuminati. Dito na rin nabuo ang mantra ng ▲.

Halos 2 linggo mula nuon, nagkaroon ng mahalagang pagpupulong sa tahanan nila Michael Caranay. Dito na nagkaroon ng pormal na pagpapalit pangalan ang Pempem at ito'y naging Illuminatio na. Kinuhaan ng litrato ang bawat isang miyembro na nagpapakita ng mantra ng ▲. Ibinenta na namin ang aming kaluluwa sa halaga ng Don Enrique at Generoso.

Ang salitang Illuminatio ay hango na rin sa Illuminati na siyang samahan ng mga animo'y sumasamba sa diyos diyosang galit na si Santanas. Kung bakit naging Illuminatio ay dahil na rin sa kontribusyon ni Ron "Young Fella" Villanueva na siyang eksperto sa sining ng Fellatio. Pinagsama ang Illuminati at Fellatio, kung kayat naging Illuminatio. Pero dahil na rin siguro sa pagkalasing ni John Vincent Asuncion ay Illuminacho ang naipalit niyang pangalan imbis na Illuminatio, na siyang ikinasama ng loob ng ibang miyembro. Di naglaon ay naitama na rin ito at naging Illuminatio na nga.

Mula 14 ay naging 26 ang miyembro ng Illuminatio. Padami ng padami, patatag ng patatag, at palibog ng palibog, tunay ngang umuunlad at nagiging number 1 ang ▲ sa puso ng bawat miyembro nito. Pero wala pa ring tatalo sa T, 4 years in the making.

Mula sa panahong to, hangang ngayon, tuloy tuloy lang ang paglakas ng Illuminatio. Sa lahat ng pagkakataon, laging isinisingit ng mga miyembro nito ang ▲ sa mga picturan, mapa formal, wacky, class picture, batch picture, seminar picture, mga litratong kasama ang magulang. Hindi lang din sa mga larawan makikita ang ▲, maski nuong mga nakaraang mga seminar, isiningit pa rin ito ng mga miyembro mapa sa sayaw, sa video presentation, intermission numbers, at kung ano ano pang shit. Tuloy tuloy lang ang paglakas ng Illuminatio.

Sa ngayon ay nasa 29 na ang miyembro ng Illuminatio, hindi pwedeng ilista lahat dahil kailangang low profile kami at baka patayin daw kami ng mga tunay na Illuminati (Ayon sa natatanging founder, leader, member, staff at kung ano ano pang shit ng Pempem na si Mervin Ames Carpo).

Lingid sa kaalaman ng lahat, marami na ring ibang mga samahan ang  katungali ng Illuminatio sa number 1 spot. Sa kasalukuyan, narito ang talaan mula sa pinakamataas pababa.
1. INC (Iglesiya ni Carl)
2. JIL (J is Lord)
3. TropaVille
4. Illuminadas
5. Illuminatio
6. Pempem
----Nothing Follows----

Makikita na nasa number 5 spot ang Illuminatio, dahil na rin sa pananampalataya nito sa INC at JIL. Ang TropaVille naman ay 4 years in the making kaya hindi ito kayang talunin. Dahil na rin sa pagiging Genital man, pinauna na rin ng Illuminatio ang Illuminadas (kapatid na kompanya ng Illuminatio na para sa mga babae)

Nitong mga nakaraang linggo naman ay nauso ang Odds. Ayon nga kay Ronndale "Porndale" Dela Cruz, ito ay maliit na tulong lamang niya sa mga miyembro ng Illuminatio. Ito ngayon ang pinagkukunan namin ng lakas laban na rin sa mga pwersang humahadlang sa pagluklok namin sa pwestong number 1. Iwasan lamang ang epidemyang "Darwin Syndrome" kung saan hindi mo namamalayang gumagamit ka na ng formula para makapanghula sa taya, na siya ring ikababaon mo ng utang. At mananakawan ka pa ng 1k sa Chinita.

Sa ngayon, hindi muna gaanong aktibo sa fliptop ang Illuminatio, pero sagana pa rin sa inuman. Nageexam kasi kahit lasing at puyat, yan tuloy, impaired judgement. Pero line of 7 pa rin sa exam.

Siguro'y ang blog na to ay maikling paglalarawan lang naman kung ano nga ba talaga ang Illuminatio, pano ito nagsimula, ano ang mga layunin, at kung san ito patungo. Sa totoo lang walang patutunguhan to, kaya hanggang dito na lang muna.

No comments:

Post a Comment