MAP.
Ang MAP ay samahan ng mga katangi tangi, at matatalinong mga miron ng Pilipinas. Isa itong non-profitable organization na hindi humahangad na kumita, at ang gusto lamang ay palaganapin ang natural na talento ng mga tambay na mag miron. Ang organisasyong ito ay naglalayon na mangbuwiset, manginis, at manarantado ng mga iba't ibang klase ng manlalaro.
Ipaliwanag natin kung ano nga ba ang miron. Ang miron ay mga taong nakikinuod sa isang laro, patimpalak, o kung ano mang may paligsahan. Kadalasan ay nakatayo sila sa likod ng mga naglalaro na gusto nilang manalo. Maingay ang mga miron at madalas mag mura. Siguro, ikaw na nagbabasa ngayon nito'y naging isang miron din, hindi mo lamang napansin. Ang mga sumusunod ay ang iba't ibang klase ng miron na pakalat kalat lang sa Pilipinas.
Miron sa Sinehan (Basta may pinapanood)- Maingay, pasaway, at palipat lipat ng upuan. Napanood niya na ang pelikula pero panonoorin niya ulet para lamang makapambuwiset ng ibang tao. Magiingay yan at ikekwento sa katabi niya yung mga susunod na mangyayari sa pelikula. Medyo pasaway din sila dahil makikipagkwentuhan sa phone yan habang nanunuod. Talagang maingay at nakakainis. Mga class A miron ang mga to kasi gagastos sila para lang makapag-miron
Miron sa DOTA (Computer Shop)- Eto yung mga malulupet na walang panglaro kaya nangugulo lang. Malakas silang magturo kahit kadalasan hindi naman talaga nila alam ang kanilang mga sinasabi, tulad ng pagsamahin daw ang S&Y at Lifesteal. Pag nakakakita rin ng clash ang mga to ay meron silang mapupunang isang player kung san nila isisisi ang ikakatalo ng buong team, kesyo ang bagal mag Echo Slam o kung ano pa man. Madalas din silang maghamon ng pustahan, kahit wala naman talaga silang pera. Mga class B miron lang sila dahil wala nga talagang panglaro, kaya't nagmimiron na lang.
Miron sa Chess (O sa sugal)- Ito na yung mga pinakanagmamarunong sa lahat. Kulang na lang ay agawin niya ang upuan ng player para siya na ang pumalit. Nakikimura sa player to, at pag may hindi nakita ang player na isang magandang galaw, mapapasigaw to. Madalas nitong sinasabi "Tangina, pre check na sana e", kahit wala naman talaga. Kung makapagreact din tong mga to ay akala mo malaki ang ipinusta sa laban dahil sumisigaw at nagmumura, kahit Pawn o Horse pa lang ang pwedeng igalaw. Mga class S miron to dahil sila ang pinakamalakas mag react sa lahat.
Miron sa Inuman - Eto naman yung mga miron na walang tite. Bakit walang tite? Kasi puro pulutan at kwento lang ang tinitira. Pumapass lang sa alak. Kadalasan hawak nila yung chicharon o Sugo nuts. Magaling silang magkwento kasi parang lasing na, hindi na totoo. Sila rin kadalasan yung unang natutulog at nalalasing, kahit hindi naman sila uminom. Mga class C miron to dahil wala na ngang tite, naninimawa na sa pulutan, mahilig pang magkwento barbero.
Medyo sabog ako kaya ako'y hindi nagagandahan sa entry na to.
Pero ang dormant na kasi ng BS ko kaya gumawa na ko. Sana'y nagenjoy ang nagbasa nito.
No comments:
Post a Comment