Read the fucking blog

8===D

Friday, March 11, 2011

Ang Dalwamput-isang utos ng ▲Illuminatio▲

Ang mga sumusunod na pahayag ay ang mga alituntunin, polisiya, misyon, bisyon, at kung ano ano pang shit na sinusunod ng mga tunay na Illuminatio ▲ sa kahit ano pa mang okasyon.

1. Ang Tunay na Illu ay alam kung ano ang ibig sabihin ng ▲. Alam rin nila kung bakit ang ▲ ni Ronndale ay nasa bunganga.

2. Ang Tunay na Illu ay Chope. Pag dumidiskarte ito at nagpapakita ng kachope-an, ang tawag ay diskarteng Illu. Kahit libog na ay maghahari pa rin ang kachope-an ng Tunay na Illu.

3. Ang Tunay na Illu ay tumatalo sa kaibigan niya. Bonus points pag ginawa niya to sa kasagsagan ng bagyo. Bonus points ulet kung nuong Ondoy nya to ginawa. Bonus points kung kapwa Illuminatio rin ang tinalo niya. At pinaka bonus points sa lahat ay pag magsiyota pa rin sila (Continental Drift Theory / Ronndale Rule)

4. Ang Tunay na Illu ay Number 5 lamang. Dahil sumasamba siya sa mga mabubuting balitang  ihinahayag ni Carl, o di kayay sumusunod iya sa alituntunin ng Orange Card. Alam rin ng tunay na Illu na hindi niya kayang higitan ang TropaVille dahil 4 years in the making to.

5. Ang Tunay na Illu ay Withdrawal lang ang ginagamit na method para hindi magka anak. Seryoso lang, putangina mo pag nagcocondom ka.

6. Ang Tunay na Illu ay tumataya sa Odds kahit wala ng pera. Alam ng tunay na Illu na Chicago lamang ang hindi nambibigo sa mga tinatayaan nila. Alam rin ng tunay na Illu na wala pang ipinanalo ang Miami, pero mas tunay na Illu ka kung pilit mo pa ring tinatayaan ang team na to.

7. Ang Tunay na Illu ay nagkaroon na ng Darwin Syndrome. Ito ay ang pagtataya sa Odds habang gumagamit ng formula, na siya ring ikakabaon mo sa utang. Bonus points pag nanakawan ka sa Chinita ng 1k. Bonus points ulet pag di pinanood sayo yung CCTV.

8. Ang Tunay na Illu ay kilala si Dempsey Cunanan, at alam rin ang ibig sabihin ng Kutsara. Bonus points kung ikaw na rin pala talaga si Dempsey, at nakutsara mo ang kapwa Illu mo.

9. Ang Tunay na Illu ay gumagawa ng katarantaduhan pag lasing. Ilan sa mga ito ay ang pagyakap sa poste, pagsalok ng ihi, pag akyat sa puno ng buko, pag untog sa TV sabay suka, pag gulong sa sariling suka, humihiga sa kalsada para sa picture, at kung ano ano pang shit. Bonus points kung nakapunta ka ng perya na sobrang layo kahit lasing ka na.

10. Ang paborito mong artista ay si Peaches, dahil 18" ang waistline nito, at ang pink ng kanyang areola. Considered ka ding Illu kung gusto mo rin si Icecream, na siyang kilala lamang sa CamFrog. Bonus points kung pinapanood mo sila sa computer, pero isang kamay lang ang nakahawak sa keyboard o kaya'y mouse. Bonus points rin pag basa ang kumot mo pagkatapos.

11. Ang Tunay na Illu ay sumusunod lamang sa Spartan o kaya Ninja method. Bonus points kung parehas itong ginagawa. At +100000000 pag ginawa mo ito ng lasing, pero 7+ pa rin ang score mo sa exam.

12. Ang Tunay na Illu ay Hawhaw lang ang pinupulutan. Mas tunay na Illu ka kung hindi alam ng kainuman mo na may Hawhaw na palang binabasa sa counter sa Puregold dahil tinakpan mo ng mga tamang pulutan. Bonus points kung naubusan kayo ng pang alak dahil sa katarantaduhan mo.

13. Ang Tunay na Illu ay gustong isama sa inuman ang Illuminadas. Gusto rin ng tunay na Illu na ▼ na lang ang simbolo ng Illuminadas, at nagcocontract pa. (Darwin Talha)

14. Ang Tunay na Illu ay mayroon lamang 2 teyoryang pinaniniwalaan  kung papano nga ba naboo ang mundo. Magsisimula muna sa Continental Drift Theory, at ang kasunod na nito ay ang Big Bang. Nasa sa inyo na yan kung susundan niyo ng Evolution o hindi.

15. Ang Tunay na Illu ay nagrereklamo sa inuman, kahit sampung piso lang ang inambag niya. Dahil every centavo counts. Lalo na pag Valentines day. Bonus points pag nagbabaon ng panglunch dahil wala ng pera at naubos na sa Yellow Cab.

16. Ang Tunay na Illu ay nagagalit sa mga naghohost ng inuman dahil laging sira ang ilaw sa mga bahay nito. Wala naman kasi talagang namumula. (Rubio rule)

17. Ang Tunay na Illu ay iniidolo si Willie Revillame. Sino ba naman ang hindi sasamba sa kanya, mahal pa rin ng taong bayan, kahit gaano katarantado. Mayaman pa.

18. Kontra sa number 5, Ang Tunay na Illu  ay virgin pa, dahil puro kwento lang naman ang mga to na parang barberong gumugupit habang nanunuod ng basketbol.

19. Ang Tunay na Illu ay hindi member ng Pempem. Dahil ang tunay na Illu ay baduy at masama.

20. Illu ka kapag hindi mo kailanman makakalimutan ang 03/11/2011. Natalo ang Illu ng halos 30k na pera dahil sa Odds. Tunay na Illu ka kung kabahagi ka ng talong yan. Bonus points pag higit 1k ang talo mo. Alam mo rin na kung bakit nagkaron ng earthquake sa Japan ay dahil sa mga Illuminati.

21. Ang Tunay na Illu alam kung pano palabasin ang ▲, ▼, ♦, at kung ano ano pang shit sa keyboard. Illu moves lang yan kaya di yan magagawa ng iba. Maliban na lang sa sister company nitong Illuminadas.

Contributors:
Chuckie, Darwin, Erlan, Rudolf, Ralph, Martian, Jonas, Poli.

Thursday, March 10, 2011

▲ Illuminatio ▲

Siguro marami sa inyo ang nagtataka kung ano nga ba ang Illuminatio. Para san ba ito at bakit laging pinangangalandakan nito ang malupit na simbolo ng ▲. Pano to nagsimula, at ano ba ang pinaglalaban ng organisasyon na ito. Ang blog na to ay nakalaan sa pagpapaliwanag kung ano nga ba talaga ang Illuminatio.

Kasaysayan:

Nagsimula ang Illuminatio sa samahan ng mga lalakeng manlalaro ng basketbol na kadalasang kumakatawan sa batch 2011. Wala pa talagang pormal na tawagan ang samahang ito noon, madalas lang talaga nagkakaroon ng inuman at agawan ng syota.

Hindi naman talaga Illuminatio ang orihinal na pangalan ng grupo, nagmula muna ito sa Pempem, naging Illuminacho, hangang sa huli ay Illuminatio.

*Isang maiksing pagpapaliwanag. Pempem- Ito ang  unang tawag sa samahan ng mga lalakeng walang direksyon ang buhay at kalibugan lang ang pinapairal. Nagmula ito sa mga mapanuksong bunganga ng ilan sa mga mananayaw ng ENKORE, na siyang kumalat, hangang sa naging pormal na tawag na nga ito ng barkadahan ng kalibugan.

Halos 3 buwan na ang nakakaraan, tinatag ni John Vincent "Extra Rice" Asuncion ang grupong Pempem sa Facebook na mayroong 14 na miyembro. Ginawa ito sa layuning madaling makapag ayaan ng mga mahahalagang okasyon tulad ng inuman at fliptop. Itinatag ang grupong to kasunod na rin sa inumang naganap kila Erlan John San Jose, kung san mayron siyang isinamang nagbubukas ng tantsan gamit ang sumbrero. Narito ang unang post.

"Jv Asuncion-
oi mga kups... ayan para madali mgusap usap.. gulo nio eh. hahah HAPPY NEW YEAR!! Putukan na!"

Kitang kita naman ang halaga ng grupong ito. Ang unang alituntunin ay ang magpaputok sa labas at wag sa loob. Dahil nga naman pag sa loob ipinutok, mas mapanganib.

Makaraan ang ilang linggo, matapos ang walang humpay na pamamahagi ng mga porn-site na nalalaman ng bawat isa,  nag-post si Leoman Garcia ng video kung saan ibinibida si Pacquiao na isa raw siyang miyembro ng Illuminati.  Narito ang nasabing video.

http://www.youtube.com/watch?v=VYBOJPNSWD8&feature=related
*Makikita sa video na naghahand sign si Pacquiao ng ▲

Lubhang nakaramdam ng kakulangan ang mga miyembro ng Pempem, at alam nila kung papaano mapupunan iyon. Ito ay mapupunan lamang sa pamamaraan ng pagsali sa Illuminati. Dahil pag gangster ka, Illuminati ka. Baduy at masama. Dito na napagdesisyonan ng mga Pempem na dapat ay maging miyembro na sila ng Illuminati. Dito na rin nabuo ang mantra ng ▲.

Halos 2 linggo mula nuon, nagkaroon ng mahalagang pagpupulong sa tahanan nila Michael Caranay. Dito na nagkaroon ng pormal na pagpapalit pangalan ang Pempem at ito'y naging Illuminatio na. Kinuhaan ng litrato ang bawat isang miyembro na nagpapakita ng mantra ng ▲. Ibinenta na namin ang aming kaluluwa sa halaga ng Don Enrique at Generoso.

Ang salitang Illuminatio ay hango na rin sa Illuminati na siyang samahan ng mga animo'y sumasamba sa diyos diyosang galit na si Santanas. Kung bakit naging Illuminatio ay dahil na rin sa kontribusyon ni Ron "Young Fella" Villanueva na siyang eksperto sa sining ng Fellatio. Pinagsama ang Illuminati at Fellatio, kung kayat naging Illuminatio. Pero dahil na rin siguro sa pagkalasing ni John Vincent Asuncion ay Illuminacho ang naipalit niyang pangalan imbis na Illuminatio, na siyang ikinasama ng loob ng ibang miyembro. Di naglaon ay naitama na rin ito at naging Illuminatio na nga.

Mula 14 ay naging 26 ang miyembro ng Illuminatio. Padami ng padami, patatag ng patatag, at palibog ng palibog, tunay ngang umuunlad at nagiging number 1 ang ▲ sa puso ng bawat miyembro nito. Pero wala pa ring tatalo sa T, 4 years in the making.

Mula sa panahong to, hangang ngayon, tuloy tuloy lang ang paglakas ng Illuminatio. Sa lahat ng pagkakataon, laging isinisingit ng mga miyembro nito ang ▲ sa mga picturan, mapa formal, wacky, class picture, batch picture, seminar picture, mga litratong kasama ang magulang. Hindi lang din sa mga larawan makikita ang ▲, maski nuong mga nakaraang mga seminar, isiningit pa rin ito ng mga miyembro mapa sa sayaw, sa video presentation, intermission numbers, at kung ano ano pang shit. Tuloy tuloy lang ang paglakas ng Illuminatio.

Sa ngayon ay nasa 29 na ang miyembro ng Illuminatio, hindi pwedeng ilista lahat dahil kailangang low profile kami at baka patayin daw kami ng mga tunay na Illuminati (Ayon sa natatanging founder, leader, member, staff at kung ano ano pang shit ng Pempem na si Mervin Ames Carpo).

Lingid sa kaalaman ng lahat, marami na ring ibang mga samahan ang  katungali ng Illuminatio sa number 1 spot. Sa kasalukuyan, narito ang talaan mula sa pinakamataas pababa.
1. INC (Iglesiya ni Carl)
2. JIL (J is Lord)
3. TropaVille
4. Illuminadas
5. Illuminatio
6. Pempem
----Nothing Follows----

Makikita na nasa number 5 spot ang Illuminatio, dahil na rin sa pananampalataya nito sa INC at JIL. Ang TropaVille naman ay 4 years in the making kaya hindi ito kayang talunin. Dahil na rin sa pagiging Genital man, pinauna na rin ng Illuminatio ang Illuminadas (kapatid na kompanya ng Illuminatio na para sa mga babae)

Nitong mga nakaraang linggo naman ay nauso ang Odds. Ayon nga kay Ronndale "Porndale" Dela Cruz, ito ay maliit na tulong lamang niya sa mga miyembro ng Illuminatio. Ito ngayon ang pinagkukunan namin ng lakas laban na rin sa mga pwersang humahadlang sa pagluklok namin sa pwestong number 1. Iwasan lamang ang epidemyang "Darwin Syndrome" kung saan hindi mo namamalayang gumagamit ka na ng formula para makapanghula sa taya, na siya ring ikababaon mo ng utang. At mananakawan ka pa ng 1k sa Chinita.

Sa ngayon, hindi muna gaanong aktibo sa fliptop ang Illuminatio, pero sagana pa rin sa inuman. Nageexam kasi kahit lasing at puyat, yan tuloy, impaired judgement. Pero line of 7 pa rin sa exam.

Siguro'y ang blog na to ay maikling paglalarawan lang naman kung ano nga ba talaga ang Illuminatio, pano ito nagsimula, ano ang mga layunin, at kung san ito patungo. Sa totoo lang walang patutunguhan to, kaya hanggang dito na lang muna.