Read the fucking blog

8===D

Thursday, October 28, 2010

Miron Association of the Philippines.

MAP.
Ang MAP ay samahan ng mga katangi tangi, at matatalinong mga miron ng Pilipinas. Isa itong non-profitable organization na hindi humahangad na kumita, at ang gusto lamang ay palaganapin ang natural na talento ng mga tambay na mag miron. Ang organisasyong ito ay naglalayon na mangbuwiset, manginis, at manarantado ng mga iba't ibang klase ng manlalaro.

Ipaliwanag natin kung ano nga ba ang miron. Ang miron ay mga taong nakikinuod sa isang laro, patimpalak, o kung ano mang may paligsahan. Kadalasan ay nakatayo sila sa likod ng mga naglalaro na gusto nilang manalo. Maingay ang mga miron at madalas mag mura. Siguro, ikaw na nagbabasa ngayon nito'y naging isang miron din, hindi mo lamang napansin. Ang mga sumusunod ay ang iba't ibang klase ng miron na pakalat kalat lang sa Pilipinas.

Miron sa Sinehan (Basta may pinapanood)- Maingay, pasaway, at palipat lipat ng upuan. Napanood niya na ang pelikula pero panonoorin niya ulet para lamang makapambuwiset ng ibang tao. Magiingay yan at ikekwento sa katabi niya yung mga susunod na mangyayari sa pelikula. Medyo pasaway din sila dahil makikipagkwentuhan sa phone yan habang nanunuod. Talagang maingay at nakakainis. Mga class A miron ang mga to kasi gagastos sila para lang makapag-miron

Miron sa DOTA (Computer Shop)- Eto yung mga malulupet na walang panglaro kaya nangugulo lang. Malakas silang magturo kahit kadalasan hindi naman talaga nila alam ang kanilang mga sinasabi, tulad ng pagsamahin daw ang S&Y at Lifesteal. Pag nakakakita rin ng clash ang mga to ay meron silang mapupunang isang player kung san nila isisisi ang ikakatalo ng buong team, kesyo ang bagal mag Echo Slam o kung ano pa man. Madalas din silang maghamon ng pustahan, kahit wala naman talaga silang pera. Mga class B miron lang sila dahil wala nga talagang panglaro, kaya't nagmimiron na lang.

Miron sa Chess (O sa sugal)- Ito na yung mga pinakanagmamarunong sa lahat. Kulang na lang ay agawin niya ang upuan ng player para siya na ang pumalit. Nakikimura sa player to, at pag may hindi nakita ang player na isang magandang galaw, mapapasigaw to. Madalas nitong sinasabi "Tangina, pre check na sana e", kahit wala naman talaga. Kung makapagreact din tong mga to ay akala mo malaki ang ipinusta sa laban dahil sumisigaw at nagmumura, kahit Pawn o Horse pa lang ang pwedeng igalaw. Mga class S miron to dahil sila ang pinakamalakas mag react sa lahat.

Miron sa Inuman - Eto naman yung mga miron na walang tite. Bakit walang tite? Kasi puro pulutan at kwento lang ang tinitira. Pumapass lang sa alak. Kadalasan hawak nila yung chicharon o Sugo nuts. Magaling silang magkwento kasi parang lasing na, hindi na totoo. Sila rin kadalasan yung unang natutulog at nalalasing, kahit hindi naman sila uminom. Mga class C miron to dahil wala na ngang tite, naninimawa na sa pulutan, mahilig pang magkwento barbero.

Medyo sabog ako kaya ako'y hindi nagagandahan sa entry na to.
Pero ang dormant na kasi ng BS ko kaya gumawa na ko. Sana'y nagenjoy ang nagbasa nito.

Tuesday, October 12, 2010

Profile Pictures

Tuwing tinitignan natin ang social site ng isa nating kakilala, unang una nating napapansin siyempre ay ang kanilang profile pictures. Hindi maiiwasang tignan tong mga to kasi ito yung binabalandra nila, at pinagmamalaki. Pero napaisip ka na ba kung bakit ito ang napili nilang ilagay? Ikaw, bakit yun ang linagay mong profile picture mo? Ating pagaralan kung bakit.

Marami kasing klase ng profile picture. Ito'y isang simpleng pagsusuri lamang kung bakit ganito ang kanilang mga profile picture.

-Nakatagilid- Mataba
-Nakatalikod- Mataba
-Todo Close up- Mataba
-Todo Zoom out- Mataba
-Mula sa taas yung camera- Mataba
-Mula sa baba yung camera- Mataba
-Background sa picture ang isang bagay (EX: sasakyan) o lugar (EX: stage)- Pinagmamayabang yung background
-May suot na kung ano- Pinagmamayabang yung suot
-Malakas ang flash- Negro/Negra
-Sa CR ng bahay- Negro/Negra
-Sa CR ng mall- Negro/Negra
-Anime- Insecure sa sarili
-Idol na celebrity- Fan
-May kasamang maganda/pogi, kaparehas ng kasarian- Gustong mapagkamalan.
-May kasamang maganda/pogi, kaiba ng kasarian- Kunyari may magandang kasintahan
-May kasamang panget, kaparehas ng kasarian- Gustong maikumpara
-May kasamang panget, kaiba ng kasarian- Naaawa
-May hawak na pera- Mukhang pera
-May hawak na pagkain- Matakaw
-Nangtatag ng ibang tao kahit solo lang naman ang profile picture niya- Papansin. (Malamang sa malamang hindi siya nakakausap sa bahay)
-Mugshot- Mataba
-Body pic- Hipon
-Isang bahagi lang ng katawan ang kinuhanan, maliban sa mukha (Ex: Braso sa lalake, Boobs sa babae)- Hipon
-May hawak na na instrumentong musikal (kadalasan gitara)- Hindi marunong gamitin ang instrumento
-Matangkad, Sexy, Maputi, at Maganda/Gwapo- Marunong o may kaibigang magaling gumamit ng Adobe.
-May kasamang celebrity- First time makakita ng sikat na tao
-Stolen shot pero maganda/gwapo pa rin- Maganda/Gwapong totoo

Madami pang ibang angulo ang pagpili ng profile pic. Pag wala sila dito sa mga pagpipiliang to, by default, mataba sila.

Sunday, October 3, 2010

Prinsipyo ng mga Barako Boys ng CGH

Tulad ng isang tunay na lalake, ang mga istudyante ng CGH ay may sinusundan ring mga prinsipyo. Marami ito, mahirap intindihin pero kailangan talagang isapuso, kung gusto mong maging tunay na barako ng CGH. Isa isahin natin to.

1.Withdrawal ang pinakamaganda at epektibong contraceptive method, regardless sa mga pinagsasabi at pinagtuturo ng mga professor niyo. Hindi ka papalya at magkakamali dito, ganun kalupet ang withdrawal. Sunod lang ang Condom dito dahil masyadong malagkit ang lubricant ng condom at hindi magiging kaaya aya ang intercourse pag ito ang ginamit.

2. Pag may tinatanong na nursing theory, by default, laging sagot ay "Big Bang". Pag may tinanong naman na law, by default ulet, ang laging sagot ay "Law of Gravity".

3. Continental Drift. Kung ang kontinente nga naghihiwalay. Pag nalaman na ang liniligawan mo ay may kasintahan na pala, wag mawalan ng pag asa. (Mula kay kaibigang Rondalle)

4. Ang idol ni Pedro, kay Pedro lamang, hindi siya pwede kay Juan at lalong hindi kay Pepe. Pero ang Video nina Pedro at Maria, dapat lamang na ishare kay Juan o Pepe. (Mula kay kaibigang Erlan)

5. Sapat na dahilan ang pagkawala ng kama sa bahay para matulog sa klase. Dapat lang marunong kang dumiskarte para hindi ka mapahiya.

6. Pag pinagtritripan ka ng lahat, pagtripan mo rin ang sarili mo.

7. Bawal mangligaw ang lalaking walang kotse. Wag labagin ang batas na ito.

8. Pag nagpagupit, siguraduhing nakaboxxers ka lang at wag kang magdala ng pera. Siguraduhin ding sa salon ka magpapagupet hindi sa mga barbero.

9. Laging tanungin sa tindera kung magkano ang tag-pipisong Max.

10. Pag kakain sa Noodle King, ihanda mo na ang sarili mong mga hayop at trigo, dahil pag umorder ka don, inahin pa lang ang baboy at manok, at tinatanim pa lang yung trigo. Eto ang dahilan kung bakit matagal ang kanilang serbisyo.

11. Iwasang kumain sa Times Square dahil magmumuka kang pulube. Kumain kila ate High Blood at ate Hepa B, sila yung mga nagtitinda ng pugo at fishballs. Magdala ng kotse pag dito kakain.

12. Wag na wag magingay tuwing lecture. Isipin niyo ang mga taong natutulog.

Kung isa kang tunay na barako ng CGH, alam mo na ang mga prinsipyong ito. Isapuso at isadiwa.

Friday, October 1, 2010

Barkada

Blog ko to nung HS student pa ako.


Sa mga kaklase at naging kaklase ko eto ang pagkakaintindi ko sa inyo kaya sensya na =)


si kuya-
siya ang pinakamatanda sa barkada, ang madalas na hinhingian ng payo dahil may experience na siya, madalas siyang magkwento ng mga bagay na totoo pero minsan kahit di na totoo ay naniniwala ka pa din.

ang chikboy na walang chicks-
sila ung mga tipong magaling makahanap ng kasintahan, sa panaginip. sila yung mga taong walang ibang ginawa kundi magkwento ng kabarberuhan, lagi mong maririnig diyan na “iniyakan ako ni ano e” “kung ako nga di pinayagang manligaw ikaw pa kaya?”, sila yung may score na 20:1, 20 ang linigawan, 1 ang sumagot o kung sa babae naman ay 20 ang crush, 1 ang nanligaw, at pinakapangit pa. sila yung iniiwasan namin sa barkada kaso nga lang masyadong malakas loob at di talaga matibag ang self confidence nila.

si tankad (AKA scott walang kibo)-
sila ung mga pinakamatankad sa grupo, o kayay sumunod sa tankad ni kuya, madalas maputi ang balat nila, sila ang masarap kasama sa barkada lalo na pag nagcoconcentrate ka dahil siya ang walang imik at hindi talaga magsasalita hanggat walang napapansing kakaiba o kayay tinanong mo. sila ung mga tipong pag sinabihan mo ng joke e magbibigay lang ng mapagkunwaring ngiti dahil alam nila, walang nakakatawang mangyayari dahil magugulat na ang mundo.

yung mayaman-
sila ung mga tipong pinakikisamahan mo lang dahil sobrang lakas mang libre, as in. minsan mahirap kasama to lalo na pag may lakad ang barkada dahil di mo alam kung mag cocommute ba siya o kung ano ang gagawin niya. madalas siyang may hawak na cp at may bitbit na psp o DS. malas mo kung inglisero pa ang mga tulad niya. maganda rin sa kanya ay pagkasama mo siya sa mga sinehan dahil madaling malalaman kung nakakatawa ba o hindi ang punchline ng mga artista .. minsan kinakanta pa Lagi ung theme song or kanta sa isang show kahit di matino boses nya

si “sige mauna na ako diyan na siya e”-
sila ung mga miyembro ng barkada na may gf/bf na hindi nyo kabarkada, kung lalake siya, under, kung babae namay masunurin. sila ung mga di mo makakausap ng maayos dahil kung hindi katext ang kanilang mga iniirog ay binabasa nila ang mga text msg sa inbox ng cp nila, pamatay din nila ang linyang “sige mauna na ako diyan na siya e” dahil handang iwan ang barkada para sa siyota.
(lol ganito rin ako dati e pero ngayon may pagka tankad na ako”)

si assasin-
bakit assasin? sila ang mga tipong tumitira ng patago, in short, traidor. sila un laging may alam na tsika tungkol kay ganyan at ganun at pinapalala pa nila lalo ang tsika dahil ikukuwento sa barkada na edited na ang storya at may scenes na nacut na.

si “uuuyyy”-
sila ung mga tipong walang ibang ginawa kung hindi mang hinge. puro na lang hinge. nabubuhay sila sa hinge pero kadalasan naman ang mga taong to ay walang pera dahil hindi nabigyan. pero minsan sila yung mga magagaling magpatawa sa barkada. kaya nga pala “uuuyyy” ay kasi uuuyyy ang maririnig mo diyan kapag may dala kang pagkain.

si “naku si mami”-
sila ung mga kabarkada mong wala nang ibang inalala kundi ang mga sermon sa kanya ng magulang niya pag uwi niya. kung may lakad, kadalasan sila ang nauunang umuwi dahil magagalit ang magulang nila. kadalasan rin ay hindi sila sumasali sa trip ng barkada tulad ng pagtato ng hena at iba pa dahil nga papagalitan ng magulang.

si TOP 1-
ang takbuhan ng barkada pag may pinaparush o kayay may assignment na hindi nagawa, yung iba naman.. siya rin ang kadalasang pangharap sa teacher dahil malakas siyang sumipsip at kilala na siya

hanggang dyan na lang, hehe sana naentertain kayo

Thursday, September 30, 2010

Mga tipo ng exam takers.

Alam niyo, napansin ko na ang pag take ng exam ay nakadepende pala talaga sa ugali ng tao. Kumpara natin sa RO, kumbaga nakadepende sa build mo. Depende kung san mo inilagay yung stat points mo. Ang mga stat points na pwede mong lagyan STR, VIT, INT, AGI, DEX, LUK, at dito nakabase kung pano ka sasagot. Ipaliwanag natin isa isa.

Spartan (Puong Str)- Mabangis to, as in purong barako. To yung mga tipong malakas ang dating pag natapos na, at malakas mang asar pag nagtatanungan na ng sagot sa barkada. Malakas sila manghamon ng pustahan na tama sila sa sagot nila kahit hindi sigurado, kaya nanghihina din ang mga to pag feedback na. Kadalasan sila yung nagmumura pag nagkakamali pala ng sagot. Madalas niyang sinasabi "Tangina pare wag kang makulet, nakita ko nga dun sa page 31 nung handout na yun yung sagot", kahit hangang page 28 lang yung handout.

Kunat (Purong Vit)- Napakakunat at napakatibay. Sila yung mga taong napakatiyaga mag aral, at napakatiyaga ring magbasa ng tanong. Kadalasan sila yung pinakamalaki yung HP, kumbaga, sila yung masamang damo na hindi talaga natatangal o namamatay. Tuwing exam, sila yung napakabusisi ng pagbasa sa bawat tanong at choices, walang nakakaligtas na letra o typo. Inaabot rin sila ng apat na oras para matapos ang isang page ng handout ng prof, kahit naka slide show format lang to. Pero sulit naman, kasi sila kadalasan yung pinakamataas. Madalas nitong sinasabi "Potek may exam ba?", kahit kitang kita sa mata nilang edematous na hindi sila natulog, dahil kadalasan, nahihiya silang aminin na masipag sila. Ewan ko ba kung ano nakakahiya dun, kanya kanya talagang pananaw yan.

Logistics (Purong Int)- Matalino talaga at mahusay. Ito yung mga tipong hindi nagaaral pag exams, parang Spartan lang din, kaso madalas itong mga to ay may laman talaga. Hindi sila nagmamayabang at hindi rin sila nagiingay pag nagkikita kita na pagtapos ng exams. Hindi rin nila sinasabi na hindi sila nagaral dahil humble kumbaga. Tahimik lang na nakikinig sa usapan ng iba. Madalas mong maririnig sa kanila ang salitang "Ewan", at "Hindi ko alam", kasi hindi rin talaga sila sigurado sa sagot nila, pero kadalasan naman ay tama. Hindi din sila ang nagiging pinaka-nakakaangat dahil pag objective ang exam, nawawalan sila ng maisasagot.

Ninja (Purong Agi)- Mabilis at mabilis. Laging nauuna at kinakabahan pag nauunahan. Meron atang pupuntahan ang mga taong to kaya laging nagmamadali. Una sa exam, una sa lahat, kaya pati pag tangalan na sa skul una rin sila. Mabilis rin mag aral tong mga to. Parang scanner mga mata nila, as in tinitignan lang at hindi iniintindi. Kaya nilang tapusin ang 100 item questions in less than 30 minutes, kaya pwede rin silang bumagsak in less than 30 minutes. "Amp ang hirap ng exam" ang lagi nilang sasabihin kahit na ang bilis nila. Ewan ba natin kung nang loloko lang. (Aminado ang author na ganito rin siya)

Kita (Purong Dex)- Kaya kita ang pangalan nila kasi walang nakakaligtas sa paningin nila. Eto yung mga tipong malakas mangopya at manarantado. Minsan nakakainis pa sa kanila ay mas mataas pa sila dun sa kinokopyahan nila, hindi natin alam kung bakit. Kahit ipwesto sila dun sa pinakaharap, makakagawa sila ng paraan para mangopya, hindi natin alam kung papano nila nagagawa yun. Hindi rin sila nahuhuli. Dahil rin sa galing ng paningin nila kaya alam nila kung kanino dapat kumopya, kaya nilang kumilatis. Kadalasan inuuto nila yung mga taong Kunat, kasi yung mga Logistics ay hindi pumapayag na magpakopya sa kanila. Minsan sila pa yung may ganang magsabing "Kasi hindi ka nagaral ata e". Tangina ang kapal ng muka. Ang sarap sampalin e, kaso ganun talaga.

Perfect Dodge "PD" (Purong Luk)- Mga Astrologers, naguulat ng horoscopes na totoo. Purong swerte lang ginagamit sa pag exam. Nagaaral din naman sila kaso kadalasan tinatamad din agad. Ang lakas ng swerte ng mga kumag na to. Kumbaga lahat ng inaaral nila lalabas, at lahat yun masasagot nila. Yun nga lang, tulad nga sa RO, nakokontrahan din ang PD. Pag minalas, tatamaan, at pag tinamaan, dahil sa sobrang lambot, sobrang tumba. "Suko na ko pre, babagsak na talaga ko", Yan ang sinasabi nila madalas kasi madali silang mawalan ng pagasa, pero dahil sa swerte, andyan at andyan pa rin sila't kumakapit.

Natapos din. Sana naman ay naentertain ang mga magbabasa nito, kung meron man.
Tabingetlog-out yo.

Tuesday, September 28, 2010

Huh.

Meh. It really irritates me to hear people tell me "mukhang pinaghahanadaan mo na ah!!!11!!11!!", tangina. Oo inaamin ko na nag ayos talaga ako ng sarili, pero ang tagal ko nang sinimulan to, hindi ko na kasalanan kung napansin lang ng iba nito nang mga nakaraang buwan. Medyo nakakahypertensive crisis lang kasi pag naririnig ko yung mga linyang yan, para kasing ang pathetic ng tingin sakin ng tao. Ang self improvement, kaylan man ay hindi pathetic, kahit sa anong dahilan, basta maayos ang paraan, panget lang talaga pag naging anorexic. Tangina magkarhyme yun ah. Sa totoo lang, hindi ko na rin dinedeny pag sinasabi sakin yan, ok na kasi sakin na alam ng mga kasama kong madalas kung ano ang nangyayari sakin, wala rin naman ako gaanong pakialam sa tingin ng iba eh. Medyo contradictory no, pero yun ang totoo.

Wew nakagawa ulet ng blog, at puro sama ng loob lang ang nasulat. Walang kwenta.
 ·  · Share

Yo

Yo