Letse, tama na nga ang drama. Sumulat ako para mag kwento lang kung pano nga ba mangisda ang isang Illu.
Chapter by chapter kasi nangyayari to eh, hindi biglaan o kung ano ano pang shit. Simulan natin sa unang chapter.
Data Collection Chapter
-Natural na sa isang mangingisda na umispot muna bago mangisda. Hahanapin muna niyan yung tuna na may pinakamaraming protina bago sumugod. Titingin sa dagat yan, dala lang ang speedboat pero wala pang lambat o dinamita. Tingin tingin lang, search sa facebook, pero ang number hindi pa nakukuha sa chapter na to, kaya't punta na tayo sa susunod.
Wrong Sent Chapter
-Dito na magsisimula ang diskarte ng isang mangingisda kung pano niya kukunin ang atensyon ng isda. Ang kadalasang paraan, magkukunwari siyang ma wrowrong send niya ang isang message dun sa isdang trip niya, at mula dun e purong diskarte na lang. Pwede rin tawagin itong Picture Chapter dahil minsan, pwedeng kunware idol mo sila tapos magpapapicture ka para may interaksyon. Dito mo hihingin yung number at kung ano ano pang impormasyon sa isda para lalo mo siyang makilala.
Kilig Chapter
-Waley na to, pag pinasok na to mahirap ng lumabas. Dito na magsisimulang ibaba ng mangingisda ang kanyang uod para makabingwit, pero hindi niya hahayaang kagatin ng isda ng buo ang uod. Hayaan niya lang na magustuhan ng isda ito, paaamuhin muna niya. Tinetext niya yung isda ng kung ano anong shit, lalo na pag naka inom ang mangingisda, kahit 3:00 AM tatanungin niya kung nag tanghalian na ba yung isda. Medyo magulo tong chapter na to. Pag mabilis kumagat yung isda, kadalasan bibitawan na rin kasi hindi magandang ituloy sa susunod na chapter na...
(Y) Chapter
-Tinatawag ring like chapter, dito na maguumpisang magdala ng lambat ang mangingisda, dahil hindi na sapat ang simpleng pamingwit. Dito na niya aakitin ang isda sa bahay nila Jonas. Ito ang isang malaking bahagi ng pangingisda kung saan maaaring matapos ang propesyonal na relasyon, o di kaya'y magtuloy tuloy. Pero kadalasan, at wala pang palya, ay natatapos na rin sa bandang dulo ng chapter na to.
May 2 bagay na pwedeng hantungan ng (Y) chapter, at ito'y nakadepende lamang kung may charger sa CR ang isda o wala.
Kung meron, dito ang bagsak
False Hopes Chapter
-Dito na gugunaw ang mundo ng mangingisda, dahil matapos ang ilang araw, linggo, buwan, taon, na paghihirap niya para makuha ang isda, waley pa rin. Dito na magsisimulang makinig ng mga kanta ng The Script ang mangingisda, kung san makikita niya n lang ang sarili niyang umiiyak dahil sa pinaka mababang posibleng bilang, may 3 kanta ang bandang to na tugmang tugma sa sitwasyon ng mangingisda. Araw, linggo, buwan, taon din ang bibilangin para tuluyang makalimot ang sawing palad na mangingisda, pero pagtapos naman ng panahon na to ay mararamdaman niya ang kanyang unti unting pagtanda at pagtalino. Makikita na lang rin niya ang sarili niyang tumatawa na sa mga kanta ng The Script matapos ang panahong to dahil naaalala niya kung paano sinira ng isang isda ang kanyang ulo.
Kung wala, heto naman
Data Collection Chapter
-Teka, umulit diba? Oo, kasi ang pwede lang naman mangyari talaga ay bitawan ng mangingisda ang lambat na pinanghuli niya sa isda, o kaya'y kumawala ang isdang yon.
------------------------------------------------
Lunes ng gabi, kinakabahan ako ng sobra dahil nararamdaman kong bukas ng umagay mapapatalsik na ko sa trabaho dahil sa kabobohang ginawa ko kanina. Wala akong magawa. Magtiwala na lang ako sa Diyos kung ano man ang hatol niya o ano. Bahala na. Waley kung waley.
Naramdaman ko lang magsulat ngayon dahil na rin sa kaba ko, para naman mawala to. Parang ang hirap pag nagkataon, kailangan ko ng pera sa parating na pasko. Yung mga sideline na kalokohan ko waley na rin, tapos na rin eh. Di ko na alam kung san ako kukuha ng pera pag nagktaon. Kailangan ko ng pang Bonchon :(.