Read the fucking blog

8===D

Thursday, September 30, 2010

Mga tipo ng exam takers.

Alam niyo, napansin ko na ang pag take ng exam ay nakadepende pala talaga sa ugali ng tao. Kumpara natin sa RO, kumbaga nakadepende sa build mo. Depende kung san mo inilagay yung stat points mo. Ang mga stat points na pwede mong lagyan STR, VIT, INT, AGI, DEX, LUK, at dito nakabase kung pano ka sasagot. Ipaliwanag natin isa isa.

Spartan (Puong Str)- Mabangis to, as in purong barako. To yung mga tipong malakas ang dating pag natapos na, at malakas mang asar pag nagtatanungan na ng sagot sa barkada. Malakas sila manghamon ng pustahan na tama sila sa sagot nila kahit hindi sigurado, kaya nanghihina din ang mga to pag feedback na. Kadalasan sila yung nagmumura pag nagkakamali pala ng sagot. Madalas niyang sinasabi "Tangina pare wag kang makulet, nakita ko nga dun sa page 31 nung handout na yun yung sagot", kahit hangang page 28 lang yung handout.

Kunat (Purong Vit)- Napakakunat at napakatibay. Sila yung mga taong napakatiyaga mag aral, at napakatiyaga ring magbasa ng tanong. Kadalasan sila yung pinakamalaki yung HP, kumbaga, sila yung masamang damo na hindi talaga natatangal o namamatay. Tuwing exam, sila yung napakabusisi ng pagbasa sa bawat tanong at choices, walang nakakaligtas na letra o typo. Inaabot rin sila ng apat na oras para matapos ang isang page ng handout ng prof, kahit naka slide show format lang to. Pero sulit naman, kasi sila kadalasan yung pinakamataas. Madalas nitong sinasabi "Potek may exam ba?", kahit kitang kita sa mata nilang edematous na hindi sila natulog, dahil kadalasan, nahihiya silang aminin na masipag sila. Ewan ko ba kung ano nakakahiya dun, kanya kanya talagang pananaw yan.

Logistics (Purong Int)- Matalino talaga at mahusay. Ito yung mga tipong hindi nagaaral pag exams, parang Spartan lang din, kaso madalas itong mga to ay may laman talaga. Hindi sila nagmamayabang at hindi rin sila nagiingay pag nagkikita kita na pagtapos ng exams. Hindi rin nila sinasabi na hindi sila nagaral dahil humble kumbaga. Tahimik lang na nakikinig sa usapan ng iba. Madalas mong maririnig sa kanila ang salitang "Ewan", at "Hindi ko alam", kasi hindi rin talaga sila sigurado sa sagot nila, pero kadalasan naman ay tama. Hindi din sila ang nagiging pinaka-nakakaangat dahil pag objective ang exam, nawawalan sila ng maisasagot.

Ninja (Purong Agi)- Mabilis at mabilis. Laging nauuna at kinakabahan pag nauunahan. Meron atang pupuntahan ang mga taong to kaya laging nagmamadali. Una sa exam, una sa lahat, kaya pati pag tangalan na sa skul una rin sila. Mabilis rin mag aral tong mga to. Parang scanner mga mata nila, as in tinitignan lang at hindi iniintindi. Kaya nilang tapusin ang 100 item questions in less than 30 minutes, kaya pwede rin silang bumagsak in less than 30 minutes. "Amp ang hirap ng exam" ang lagi nilang sasabihin kahit na ang bilis nila. Ewan ba natin kung nang loloko lang. (Aminado ang author na ganito rin siya)

Kita (Purong Dex)- Kaya kita ang pangalan nila kasi walang nakakaligtas sa paningin nila. Eto yung mga tipong malakas mangopya at manarantado. Minsan nakakainis pa sa kanila ay mas mataas pa sila dun sa kinokopyahan nila, hindi natin alam kung bakit. Kahit ipwesto sila dun sa pinakaharap, makakagawa sila ng paraan para mangopya, hindi natin alam kung papano nila nagagawa yun. Hindi rin sila nahuhuli. Dahil rin sa galing ng paningin nila kaya alam nila kung kanino dapat kumopya, kaya nilang kumilatis. Kadalasan inuuto nila yung mga taong Kunat, kasi yung mga Logistics ay hindi pumapayag na magpakopya sa kanila. Minsan sila pa yung may ganang magsabing "Kasi hindi ka nagaral ata e". Tangina ang kapal ng muka. Ang sarap sampalin e, kaso ganun talaga.

Perfect Dodge "PD" (Purong Luk)- Mga Astrologers, naguulat ng horoscopes na totoo. Purong swerte lang ginagamit sa pag exam. Nagaaral din naman sila kaso kadalasan tinatamad din agad. Ang lakas ng swerte ng mga kumag na to. Kumbaga lahat ng inaaral nila lalabas, at lahat yun masasagot nila. Yun nga lang, tulad nga sa RO, nakokontrahan din ang PD. Pag minalas, tatamaan, at pag tinamaan, dahil sa sobrang lambot, sobrang tumba. "Suko na ko pre, babagsak na talaga ko", Yan ang sinasabi nila madalas kasi madali silang mawalan ng pagasa, pero dahil sa swerte, andyan at andyan pa rin sila't kumakapit.

Natapos din. Sana naman ay naentertain ang mga magbabasa nito, kung meron man.
Tabingetlog-out yo.

Tuesday, September 28, 2010

Huh.

Meh. It really irritates me to hear people tell me "mukhang pinaghahanadaan mo na ah!!!11!!11!!", tangina. Oo inaamin ko na nag ayos talaga ako ng sarili, pero ang tagal ko nang sinimulan to, hindi ko na kasalanan kung napansin lang ng iba nito nang mga nakaraang buwan. Medyo nakakahypertensive crisis lang kasi pag naririnig ko yung mga linyang yan, para kasing ang pathetic ng tingin sakin ng tao. Ang self improvement, kaylan man ay hindi pathetic, kahit sa anong dahilan, basta maayos ang paraan, panget lang talaga pag naging anorexic. Tangina magkarhyme yun ah. Sa totoo lang, hindi ko na rin dinedeny pag sinasabi sakin yan, ok na kasi sakin na alam ng mga kasama kong madalas kung ano ang nangyayari sakin, wala rin naman ako gaanong pakialam sa tingin ng iba eh. Medyo contradictory no, pero yun ang totoo.

Wew nakagawa ulet ng blog, at puro sama ng loob lang ang nasulat. Walang kwenta.
 ·  · Share

Yo

Yo